Ipinalabas ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang isang ulat na may kinalaman sa human rights record ng Estados Unidos bilang tugon sa pambabatikos at iresponsableng remarks na ibinigay ng E.U. sa kalalabas na Country Reports on Human Rights Practices for 2013.
Ayon sa nasabing ulat, samantalang binabatikos ng E.U. ang kalagayan ng human rights ng di-kukulangin sa 200 bansa at rehiyon, nananatili namang grabe ang problemang may kinalaman sa human rights sa loob mismo ng E.U. at lumalala ang kalagayan sa maraming aspekto sa taong 2013.