|
||||||||
|
||
Sa pulong na ito, isinalaysay ng opisyal ng UN sa mga kasaping bansa ng Security Council ang kasalukuyang kalagayan ng Ukraine. Inilahad naman ni Yuriy Sergeyev, Pirmihang kinatawan ng Ukraine sa UN, ang paninindigan ng kasalukuyang kapangyarihan ng Ukraine sa kalagayan ng bansa.
Sa preskon pagkaraan ng pulong, sinabi rin ni Sergeyev na ang pagpasok ng mga tropa ng Rusya sa Crimean Peninsula sa katimugan ng Ukraine ay ilegal na paglusob.
Armoured personnel carriers ng tropang Ruso sa Crimea
Pero, ipinahayag nang araw ring iyon ng Ministring Panlabas ng Rusya na ang paglilipat ng mga armoured personnel carriers ng tropang Ruso sa Crimea ay angkop sa kasunduang narating ng Rusya at Ukraine, kung saan sumang-ayon ang Ukraine na ginagamit ng Black Sea Fleet ng Rusya ang Crimea bilang base nito.
Samantala, kaugnay ng aksyong ito ng Rusya, sinabi kahapon ni Samantha Power, Pirmihang Kinatawan ng Amerika sa UN, na ikinababahala ng kanyang bansa ang pagdedeploy na militar ng Rusya sa Crimea. Nagbabala rin sa Rusya si Pangulong Barack Obama na may halaga ang panghihimasok na militar sa Ukraine.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |