|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ni 11th Panchen Lama Erdeni Qoigyijabu, isa sa mga kataas-taasang Living Buddha ng Tibetanong Budismo, ang matinding pagkondena sa teroristikong pag-atake na naganap kahapon sa Kunming ng lalawigang Yunnan ng Tsina.
Sinabi niya na dapat tanggapin ng naturang mga may-kagagawan ang karapat-dapat na kaparusahan habang buhay.
Bukod dito, nagpahayag siya ng pagpapala upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga apektadong mamamayan sa nasabing insidente.
Ayon sa ulat, 29 na katao ang nasawi at mahigit 130 ang nasugatan sa nasabing teroristikong insidente na isinagawa ng mga tauhang sumusuporta sa pagsasarili ng Xinjiang.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |