Sa ika-20 di-pormal na pulong ng mga ministro ng kabuhayan ng ASEAN na idinaos kamakailan sa Singapore, ipinangako ng mga kalahok na patuloy na pasulungin ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, bilang tugon sa posibleng krisis na dulot ng pag-ulit ng resesyon ng kabuhayan.
Ipinalalagay ng mga kalahok na ministro na ang susi sa pagharap sa krisis ay pagpapanatili ng sigla ng makro-ekonomiya ng ASEAN. Anila, ang integrasyong pangkabuhayan ay makakabuti sa pamumuhunan, kalakalan, at kaunlaran ng rehiyon.
Inulit din nila ang pagsasakatuparan ng target na pagtatatag ng ASEAN Economic Community sa taong 2015, at tapusin ang talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership.
Salin: Liu Kai