|
||||||||
|
||
Bilang isa sa dalawang malaking demokratikong plataporma ng Tsina at mahalagang tsanel ng pagsasanggunian at demokrasiya, napapatingkad ng Pulong ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) ang espesyal na papel sa mga suliraning pulitikal ng bansa.
Binuksan kahapon sa Beijing ang 9 na araw na Taunang Pulong ng Ika-12 CPPCC. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga lider ng bansa na kinabibilangan nina Pangulong Xi Jinping, at Premyer Li Keqiang.
Sa ulat na ginawa ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng CPPCC sa pulong, binigyang-diin niya na sa kasalukuyang taon, magsisikap ang CPPCC para komprehensibong mapalalim ang reporma, at mapalakas ang konstruksyon ng kakayahan ng pagpapatupad ng tungkulin, at puspusang maitatag ang siyentipiko at istandardisadong sistema ng CPPCC.
Noong isang taon, iniharap ng mga kagawad, nakalahok na unit, at iba't-ibang espesyal na komisyon ng CPPCC, ang mahigit 5000 mosyon na may-kinalaman sa maraming aspekto ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Ang mga ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa paggawa ng pamahalaan ng desisyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |