Kinumpirma kahapon ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na nilunsad kahapon ng umaga ang dalawang Scud missiles ng Hilagang Korea sa direksyon ng Hilagang Silangan ng Korean Peninsula. Hinimok ng Amerika na magtitimpi at magsagawa ng mga hakbangin para mapabuti ang relasyon sa mga kapitbansa.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Jen Psaki, tagapagsalita ng Kagawaran ng Estados ng E.U. na patuloy at mahigpit na magmo-monitor ang E.U. ng mga aksyon at intensyon ng H.Korea, at patuloy na bibigyang pansin rin nila ang situwasyon sa Korean Peninsula.
salin:wle