Ayon sa ulat ngayong araw ng "Lian He Zao Bao," ipinatalastas na ng Maybank, pinakamalaking bangko ng Malaysia na maglalaan ng 300 milyong dolyares sa Pilipinas para buksan ang mga branch sa iba't ibang lugar, kinabibilangan ng Mindanao. Ang kapasiyahang ito daw ay dahil sa paglagda ang kasunduang pangkapayapaan ng pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Noong ika-28 ng Pebrero, dumalaw si Pangulong Benigno Aquino III sa Malaysiya, at sa Porum na Komersyal ng Malaysia at Pilipinas, hinimok niya ang mga Malaysiyanong bahay-kalakal na mamumuhunan sa Mindanao. Ipinahayag naman ni Dato Seri Mustapa Mohamed, Ministro ng Pandaigdig na Kalakalan at Industrya ng Malaysia na may malaking espasyo sa bilateral na kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa.
salin:wle