|
||||||||
|
||
Sa kanyang Government Working Report, sinabi ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsinan a mabunga ang pag-unlad ng Tsina noong 2013.
Ayon sa kanyang ulat, matatag na tumakbo ang kabuhayan at mainam ang tunguhin. Umabot sa 56.9 trilyong Yuan RMB ang GDP, na lumaki ng 7.7% kumpara sa taong 2012. Nakontrol sa loob ng 2.6% ang paglaki ng CPI, 4.1% ang unemployment rate sa mga lunsod at bayan. Umabot sa 13.1 milyon ang karagdagang bilang ng mga mamamayan sa mga lunsod at bayan na nagkaroon ng trabaho, ito ay naging bagong rekord sa kasaysayan. Lumampas sa 4 na trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat.
Patuloy na tumaas ang kita ng mga mamamayan at episiyensyang pangkabuhayan. Lumaki ng 7% ang kita ng bawat tao sa lunsod at bayan, at lumaki naman ng 9.3% ang aktuwal na kita ng bawat tao sa kanayunan. Nabawasan ang 16.5 milyong bilang ng mga mahihirap sa populasyon na nakatira sa kanayunan, patuloy na lumiit ang agwat ng kita ng mga mamamayan sa lunsod at kanayunan. Lumaki ng 12.2% ang kita ng mga bahay-kalakal na may tiyak na saklaw. Lumaki ng 10.1% ang financial income.
Natamo ng pagsasaayos ng estruktura ang positibong bunga. Lumampas sa 600 bilyong kilogram ang output ng pagkain-butil, na naisakatuparan ang paglaki nitong nagdaang 10 taong singkad. Umabot sa 46.1% ang value-added sa industriyang panserbisyo, na kauna-unahang beses na lumampas sa ika-2 industriya. Lumaki ng 7.5% ang bolyum ng paggamit ng buong lipunan ng koryente, at lumaki ng 9.9% ang kargamento.
Masaganang umunlad ang mga usapin sa lipunan. Natamo ang bagong progreso sa edukasyon, siyensya't teknolohiya, kultura, kalusugan, at iba pang larangan. Matagumpay na inilunsad ang Shenzhou-10, matagumpay na lumapag sa buwan ang Chang'e-3, at naging rekord ang lalim ng diving ng Jiaolong. Ang mga ito ay ipinakikitang ganap na may kakayahan at katalinuan ang mga mamamayang Tsino sa pagtatayo ng isang mapanlikhang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |