Sa kanyang government working report, sinabi ni Premyier Li Keqiang ng Tsina, na noong isang taon, iginiit ng Pamahalaang Tsino ang katatagan at kaunlaran. Pinatatag ang paglaki, isinaayos ang estruktura, at pinasulong ang reporma. Isinagawa namin ang serye ng pangmatagalang hakbangin at lumikha ng bagong simula para sa iba't ibang gawain.
Gawing unang malaking gawain ng pamahalaan ang pagpapabilis ng pagbabago ng tungkulin ng pamahalaan, pagpapasimple ng proseso ng administratibong gawain. Isinagawa ang reporma sa mga organo ng Konseho ng Estado. Kinansela o ibinigay sa mas mababang departamento ang 416 na gawain hinggil sa pagsusuri at pag-aaprobang pulitikal. Lumaki ng 27.6% ang rehistradong bahay-kalakal, at umabot sa 63% ang puhunang pansibilyan sa lahat ng uri ng puhunan.
Pinalalim at pinalawak ng Tsina ang pagbubukas sa labas. Itinatag ang test area ng malayang sonang pangkalakalan sa Shanghai, China, iniharap ang ideya ng pagtatatag ng economic trip ng Silk Road, at Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo. Pinasulong ang pag-u-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA). Nilagdaan ang kasunduan hinggil sa malayang kalakalan sa Switzerland at Iceland. Isinagawa ang patakaran ng pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayang panlabas, pinabuti ang mga serbisyo ng superbisyon at pamamahala sa adwana, inspection at quarantine. Matagumpay na kinaharap ang mga malaking alitang pangkalakalan. Pinasulong ang pagluluwas ng teknolohiya at kasangkapan na gaya ng nuklear power, at iba pang larangan. Lumaki ng malaki ang pamumuhunan sa ibang bansa. Umabot sa halos 100 milyong person-time ang paglalakbay sa ibayong dagat.