Inilahad ngayong araw sa kanyang working report ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pambansang kalagayan at pangkalahatang kahilingan sa gawain ng pamahalaan sa taong 2014.
Sinabi niya na mayroong maraming kahirapan at problema sa landas ng pag-unlad. Ang mga ito ay: hindi pa matatag ang pag-unlad ng kabuhayan at kailangang palakasin ang tagapagpasulong na puwersang panloob. Mayroon pa ring krisis sa pisikal, pinansiya, at iba pang larangan, labis ang output ng ilang industriya, at mahirap ang makro-kontrol hinggil dito. Malaki ang kahirapan sa pagdaragdag ng output ng agrikultura at kita ng mga magsasaka. Malubha ang polusyon sa hangin, tubig, at lupain sa ilang rehiyon. Nagkakaroon pa rin ang mga mamamayan ng di-kasiyahan sa pabahay, kaligtasan ng pagkain at gamot, medikal, edukasyon, pamamahagi ng kita, kaligtasan ng lipunan, at iba pa. Hindi kompleto ang sistema ng kredito ng lipunan. Marami pa rin ang korupsyon. Sa harap ng nasabing mga problema, maghahanap ang pamahalaan ng dahilan at solusyon mula sa sarili, magsasagawa ng mga patakarang makakabuti sa mga mamamayan, para mabisang malutas ang mga problema.
Ang kabuuang kahilingan sa gawain ng pamahalaan sa taong 2014 ay: panatilihin ang matatag na pag-unlad, pahalagahan ang inobasyon sa buong proseso ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, panatilihin ang patuloy at matatag na patakaran sa macro-economy, palakasin ang pangmatagalang prospek ng pagkontrol, komprehensibong palalimin ang reporma, patuloy na palawakin ang pagbubukas sa labas, pasiglahin ang inobasyon, igiit ang landas ng bagong pagsasa-industriya, pagsasa-impormasyon, pagsasalunsod, pagsasa-modernisasyong agrikultural, pabilisin ang pagbabago ng paraan, pagsasaayos ng estruktura, at pagpapasulong ng pag-u-upgrade, palakasin ang konstruksyon ng sistema ng pundamental na serbisyong pampubliko, buong lakas na pangalagaan at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan, totohanang pataasin ang kalidad at episiyensiya ng pag-unlad, buong tatag na pasulungin ang sosyalistang konstruksyon sa kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, at sibilisasyong ekolohikal, at tupdin ang sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan, at harmonya at katatagan ng lipunan.