|
||||||||
|
||
Sinabi ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang pangunahing target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito ay: aabot sa mga 7.5% ang paglaki ng GDP, makontrol sa mga 3.5% ang CPI, mahigit 10 milyong pang mamamayan sa lunsod at bayan ang magkakaroon ng trabaho, makokontrol sa loob ng 4.6% ang unemployment rate sa lunsod at bayan, lalaki nang sabay ang kita ng mga mamamayan at kabuhayan ng bansa.
Kaugnay ng paglaki ng kabuhayan, sinabi ni Li na ang Tsina ay nananatili pa ring umuunlad na bansa, at nasa inisyal na yugto ng sosyalismo. Ang pag-unlad ay susi para malutas ang lahat ng mga problema. Kaya, dapat ituring ang pagpapaunlad ng kabuhayan bilang sentro at panatilihin ang resonableng bilis ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Itatakda sa 7.5% ang target ng paglaki ng kabuhayan. Ito ay makakabuti sa pagpapalakas ng kompiyansa sa pamilihan at pagsasaayos at pagpapabuti ng estruktura ng kabuhayan. Ang matatag na paglaki ng kabuhayan ay maigagarantiya ang hanap-buhay at paglaki ng kita ng mga mamamayan.
Hinggil sa CPI, ang target na 3.5% ay ipinakikita ang kapasiyahan at kompiyansa ng pamahalaan sa pagpigil ng inflection at paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan. Taun-taong lumalaki ang output ng agrikultura, mas malaki ang pagsuplay kaysa sa pangangailangan sa mga produktong industriyal, sapat ang reserba ng pagkain-butil at iba pang material, malakas ang kakayahan sa pagkontrol sa pagluluwas at pag-aangkat, kaya marami ang positibong elemento para mapanatili ang pangkalahatang lebel ng presyo ng mga paninda. Sa kabilang dako, mayroon pang mga elemento na makakapagpasulong sa pagtaas ng presyo sa taong ito. Kaya, dapat pabutihin ang mga gawain tungkol sa pagkontrol sa presyo ng paninda para maiwasan ang malaking epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Binigyang-diin ni Li na para mapatupad ang target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito, dapat gawin nang mabuti ang mga susunod na prinsipyo at patakaran.
Una, dapat palalimin ang reporma. Ang reporma ay ang pinakamalakas na puwersa sa pagpapasulong ng pag-unlad ng Tsina. Dapat muna isagawa ang reporma sa mga larangang pinag-uukulan ng pansin ng mga mamamayan; isagawa ang reporma sa mga mainit na isyu na lumalabag sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan; at isagawa ang reporma sa mga aspekto na narating ng nagkakaisang posisyon ng buong lipunan. Ang mga ito ay naglalayong patingkarin ang nukleong papel ng pamilihan sa pagsasaayos ng mga yaman at pabutihin ang papel ng pamahalaan para rito. Bukod dito, dapat rin aktibong pasulungin ang reporma sa pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, at paalisin ang mga hadlang sa enerhiya ng pamilihan at pagsasaayos ng mga yaman, para pasiglahin ang nakatagong lakas ng buong lipunan sa inobasyon, patingkarin ang katarungan at pagkakapantay-pantay, at magkakasamang makapagtamasa ng bunga ng reporma at kaunlaran ang lahat ng mga mamamayang Tsino.
Ikalawa, dapat panatilihin ang pagtakbo ng pambansang kabuhayan sa makatwirang saklaw. Sa taong 2014, pabubutihin ang balangkas ng makro-kontrol na patakaran. Patatatagin ang paglaki ng kabuhayan, pagkakataon ng hanap-buhay, at inflation. Patuloy na isasagawa ang proaktibong patakarang pinansyal at matatag na patakaran ng pananalapi. Ang kabuuang bolyum ng deficit sa taong 2014 ay nakatakdang umabot sa 1.35 bilyong yuan RMB na lumaki ng 150 bilyong yuan RMB kumpara sa taong 2013. Ang kabuuang bolyum ng deficit at national bond ay tataas kasabay ng paglaki ng GDP, pero ang deficit ratio ay mananatili sa 2.1% para ipagpatuloy ang umiiral na patakarang pinansiyal. Ang inaasahang target ng bahagdan ng paglaki ng M2 sa taong 2014 ay aabot sa 13%.
Ikatlo, dapat buong sikap na pataasin ang kalidad at episiyensiya ng pag-unlad ng kabuhayan at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan. Kasabay ng pananatili ng paglaki ng kabuhayan, dapat patingkarin ang pangunahing papel ng inobasyon sa pagpapasulong ng kabuhayan sa halip na paglaan ng mga pondo at bagay lamang; dapat patingkarin ang bentahe ng komprehensibong kompetisyon sa halip na pagdepende sa mga tradisyonal na bentahe lamang; dapat pataasin ang katayuan ng mga industriyang Tsino sa sistema ng paghahati ng paggawa sa daigdig; dapat pasulungin ang balanseng pag-unlad ng mga kanayunan at lunsod. Bukod dito, pabubutihin ang sistema ng pagtasa sa mga gawain ng pamahalaan. Walang humpay na daragdagan ang pagkakataon ng trabaho at kita ng mga mamamayan. Walang humpay na pabubutihin ang kapaligirang ekolohikal. Ang mga ito ay magpapasulong ng mas sustenable, episyente, at panay na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |