|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na reporma ay ang paunang gawain ng pamahalaan sa taong 2014. Ang diin ng reporma ay nasa sistemang pangkabuhayan. Buong sikap na pasusulungin ng pamahalaan ang aktuwal na progreso ng reporma para dagdagan ang mga benepisyo para sa mga mamamayan.
Sa kanyang working report, inilahad ni Li ang mga aktuwal na gawain ng reporma sa taong 2014 na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Dapat ibayo pang palalimin ang reporma sa sistemang administratibo. Ibayo pang bawasan ng pamahalaan ang mga yugto ng pagsusuri sa mga proyekto para bigyang kapangyarihan ang mga pamahalaang lokal at pasiglahin ang pamilihan. Sa taong 2014, kakanselahin ng pamahalaang sentral ang mga yugto sa pagsusuri ng mga proyekto at ililipat sa mga pamahalaang lokal ang mga kapangyarihan ng pagsusuri. Bukod dito, isasagawa ang reporma sa pagsusuri sa mga proyekto ng pamumuhunan para mapadali ang proseso ng pamumuhunan at pagpapasimula ng negosyo; at pasiglahin ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal. Komprehensibong mapapawi ang mga yugto ng pagsusuri na walang kaugnayan sa mga suliraning administratibo. Matatapos sa kabuuan ang reporma sa mga organo ng pamahalaang lokal. Patuloy na pasusulungin ang reporma sa mga institution na ari ng estado. Pabubutihin ang pambansang sistema ng pagrehistro ng mga bahay-kalakal para pasiglahin ang takbo ng pamilihan.
Pahihigpitin ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa mga suliraning administratibo. Padadaliin ang proseso ng mga gawaing administratibo. Isasagawa ang pagsubok sa pagkakaisang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa pamilihan. Pabibilisin ang konstruksyon ng sistema ng kredibilidad na panlipunan. Pasusulungin ang pagbabahaginan ng impormasyong pampamahalaan. Itatatag ang sistema ng blacklist ng mga bahay-kalakal na lumalabag sa prinsipyo ng kompetisyon sa pamilihan at nakakapinsala sa karapatan at kapakanan ng mga mamimili.
Pabubutihin ang reporma sa sistema ng piskal at buwis. Isasagawa ang komprehensibo, istandardisado, bukas at maliwanag na sistema ng budget. Dapat isapubliko ng mga pamahalaang lokal ang budget at final account. Pasusulungin ang reporma sa sistema ng buwis. Palalawakin ang saklaw ng value-added tax sa mga larangan ng transportasyon ng daambakal, serbisyo ng koreo, at tele-komunikasyon. Pabubutihin ang reporma sa mga buwis ng konsumo at yaman. Pabubutihin ang mga gawain ng paghahanda para sa lehislasyon ng buwis ng real estate at pangangalaga sa kapaligiran. Palalawakin ang saklaw ng preperensiyal na patakaran ng buwis para mapahupa ang pasanin ng mga maliit na bahay-kalakal.
Palalalimin ang reporma sa sistemang pinansiyal. Patuloy na pasusulungin ang pag-unlad ng pamilihan ng interes. Palalayain ang kapanyarihan ng mga organisasyong pinansiyal sa pagtakda ng presyo ng interes. Pananatilihin ang katatagan ng exchange rate ng RMB sa isang makawirang sona. Pasusulungin ang malayang pagpapalitan ng RMB. Pasusulungin ang pagtatatag ng pribadong pondo ng mga organisasyong pinansiyal na gaya ng maliit na bangko. Magbibigay-patnubay sa pamumuhunan ng pribadong pondo sa mga organisasyong pinansiyal at ahensiya ng serbisyo. Itatatag ang sistema ng seguro sa mga deposito. Pabubutihin ang sistema ng mga organisasyong pinansiyal sa pagharap sa mga panganib.
Pasisiglahin ang puwersa ng iba't ibang uri ng mga ekonomya. Pabubutihin ang kalagayan at estruktura ng ekonomya na ari ng estado. Pabibilisin ang pag-unlad ng ekonomya na magkasamang ari ng estado, pribado at dayuhan. Pabubutihin at itatatag ang modernong sistema ng bahay-kalakal at estruktura ng pangangasiwa sa pagtabo ng kompanya. Itatakda ang tadhana hinggil sa paglahok ng mga pondo na hindi ari ng estado sa mga proyekto ng bahay-kalakal na ari ng sentral na pamahalaan. Babalangkasin ang mga proyekto sa enerhiya at imprastruktura na pinahintulutan ang paglahok ng mga pondo na hindi ari ng estado. Isasagawa ang reporma sa sistema ng daambakal sa paghihikayat ng mga pondo. Bubuksan ang kompetisyon sa mga larangan na gaya ng tele-komunikasyon, koryente, petrolya, at serbisyong pampubliko. Pabubutihin ang sistema ng pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR).
Dapat itatag ang bago at bukas na sistemang pangkabuhayan. Pasusulungin ang bagong round ng pagbubukas ng Tsina sa labas. Pahihigpitin ang malalim na reporma at pagsasaayos sa estruktura. Pabibilisin ang paghubog ng bagong bentahe sa kompetisyong pandaidig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |