Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, palalawakin ang pangangailangang panloob sa taong 2014

(GMT+08:00) 2014-03-05 10:28:03       CRI

Ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na patitingkarin ng pamahalaan ang pangunahing papel ng pangangailangang panloob sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan sa taong 2014.

Ayon sa kanyang working report, apat gamitin ang konsumo bilang pangunahig paraan sa pagpapalawak ng pangangailangang panloob. Sa pamamagitan ng paglaki ng kita ng mga mamamayan at pagpapasigla sa kanilang hangarin sa konsumo, pabubutihin ang mga patakaran ng konsumo at huhubugin ang mga mainit na larangan ng konsumo. Dapat palawakin ang konsumo sa serbisyo; at katigan ang pagtatatag ng mga organisasyong panserbisyo. Pasusulungin, pangunahin na, ang mga serbisyo sa pag-aasikaso sa mga matatanda, kalusugan, turismo at kultura. Isasakatuparan ang patakaran ng bayad na bakasyon. Dapat pasulungin ang konsumo sa impormasyon; at pabilisin ang pag-unlad ng teknolohiya ng internet para ibayo pang pabutihin ang serbisyo ng internet sa mga kanayunan at lunsod.

Gagamitin ang pamumuhunan bilang susi sa pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan. Pabibilisin ang reporma sa sistema ng pamumuhunan at paghihikayat ng pondo. Pasusulungin ang pagiging depersipikado ng mga namumuhunan. Ayon sa national budget, itinakdang pataasin sa 457.6 biyong yuan RMB ang bolyum ng pamumuhunan ng pamahalaang sentral. Ang naturang pamumuhunan ay ilalaan, pangunahin na, sa mga proyekto ng indemnificatory apartments, agrikultura, mga malaking proyekto ng patubig, daambakal sa dakong Gitna at Hilagang kanluran ng bansa, pagtitipid ng enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran, at mga usaping panlipunan. Ang mga ito ay naglalayong patingkarin ang kapuri-puring papel ng pamumuhunan ng pamahalaan.

Hububugin ang mga bagong lugar na pangkabuhayan bilang estratehikong pundasyon ng pag-unlad ng kabuhayan. Malalimang isasagawa ang pangkalahatang estratehiya ng pag-unlad na panrehiyon. Ipapauna ang paggagalugad sa gawing kanluran ng bansa. Komprehensibong pasisiglahin ang pag-unlad ng mga pambansang base ng industriya noong dati na gaya ng dakong hilagang silangan ng bansa. Buong sikap na pasusulungin ang pag-ahon ng dakong Gitna ng bansa. Kakatigan ang pagbabago at pagtaas ng estruktura ng kabuhayan sa dakong silangan ng bansa. Palalakasin ang pagtulong sa mga lugar na gaya ng rebolusyunaryong lugar bago itatag ang People's Republic of China (PRC), lugar ng mga pambansang minorya, lugar na panghanggahan, at mahihirap na lugar.

Ang rehiyong pandagat ay mahalagang bahagi ng teritoryo ng Tsina. Dapat igiit ang balanseng paggagalugad sa lupa at dagat; komprehensibong isagawa ang estratehiyang pandagat; pasulungin ang kabuhayang pandagat; at pangalagaan ang kapaligirang pandagat. Dapat ding buong tatag na pangalagaan ang pambansang kapakanan at karapatan sa dagat; at buong sikap na itatag ang isang malakas na bansang pandagat.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>