Sa kanyang working report, ipinahayag ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa taong 2014, pasusulungin ng pamahalaang Tsino ang bagong uri ng pagsasalunsod na "put people first".
Sinabi niya na ang gawaing ito ay buong sikap na lulutasin ang tatlong isyu na may kinalaman sa 100 milyong populasyon. Ang mga ito ay kinabibilangan ng pagpapasulong ng pagiging residente sa mga lunsod ng 100 milyong migrant workers, pagbabago ng mga shanty ng 100 milyong populasyon sa lunsod, at pagpapasulong ng pagsasalunsod ng mga lugar sa dakong gitna at kanluran ng bansa na sumasaklaw ng 100 milyong populasyon.