Pagkaraang maganap ang marahas na teroristikong pag-atake sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina, ang pagpapabilis ng lehislasyon sa larangan ng paglaban sa terorismo ay nagiging mainitang paksa sa idinaraos na mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC). Iniharap na ng ilang kinatawan at kagawad ang mosyon hinggil sa pagbalangkas ng batas laban sa terorismo.
Iminungkahi naman ni Li Jiheng, kinatawan ng NPC at gobernador ng Lalawigang Yunnan, na ang pagkumpleto at pagpapabuti ng paunang babala at pangkagipitang mekanismo laban sa terorismo ay dapat maging isa sa mga pangunahing gawain ng pamahalaang Tsino sa taong ito. Dagdag niya, ipinakikita ng teroristikong insidente sa Kunming na hindi pa kumpleto at mabuti ang mekanismo laban sa terorismo, hindi lamang sa Kunming, kundi rin sa buong Tsina.
Salin: Liu Kai