Sa pulong ng Board of Governors ng International Atomic Energy Agency na idinaos kahapon, ipinahayag ni Cheng Jingye, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN sa Geneva, ang malaking pagkabahala ng kanyang bansa sa pagkakaroon ng Hapon ng malaking bolyum ng weapon-grade nuclear material na kinabibilangan ng plutonium at uranium.
Sinabi ni Cheng na ang bawat bolyum at kalidad ng mga nuclear material na angkin ng Hapon ay sobra-sobra sa pangangailangan para sa gamit na pansibilyan. Dapat aniyang ipaliwanag ng Hapon ang hinggil sa isyung ito, at isagawa ang tumpak na hakbangin para maaalis ang mga panganib sa aspekto ng seguridad na nuklear at di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear.
Salin: Liu Kai