|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Xu Shaoshi, Puno ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na maganda ang prospek ng kabuhayang Tsino at naniniwala siyang maisasakatuparan ng pamahalaang Tsino ang 7.5% na target ng paglaki ng GDP sa taong 2014.
Sinabi niya na may kakayahan at sapat na kondisyon ang pamahalaang Tsino sa pagsasakatuparan ng target ng paglaki ng kabuhayan. Ito aniya ay dahil sa mainam at matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino noong 2013.
Ayon sa datos, noong taong 2013, ang GDP ng Tsina ay lumaki ng 7.7%, ang CPI ay tumaas ng 2.6%, ang karaniwang kita ng mga mamamayan ay lumaki ng 8.1% at ang bilang ng karagdagang manggagawa ay umabot sa 13.1 milyon. Ito aniya ay mas maganda kaysa sa inaasahang target.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |