Bilang tugon sa sinabing "nagiging masama ang kapaligirang pampamumuhunan ng Tsina," ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na walang pagbabago sa mga paborableng elemento sa pamumuhunan sa kanyang bansa. Aniya, isinaayos lamang ng Tsina ang mga industriyang tatanggap nang may priyoridad ng pamumuhunan.
Tinukoy din ni Gao na ayon sa survey na isinagawa ng mga samahang komersyal ng ibang bansa sa Tsina, kumikita ng pakinabang ang mahigit 85% ng mga dayuhang kompanya sa Tsina, at nakahanda ang mahigit 90% ng mga dayuhang kompanya na palawakin pa ang pamumuhunan sa Tsina.
Salin: Liu Kai