Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Indonesya, sinabi kahapon ni Ministrong Panlabas Javad Zarif ng Iran, na hindi ititigil ng kanyang bansa ang planong nuklear.
Sinabi ni Zarif na hinihiling ng ilang bansa sa Iran na ibasura ang planong nuklear, dahil anila hindi sila sigurado kung para sa mapayapang gamit ang planong ito. Kaugnay nito, ipinahayag ni Zarif na nakahanda ang Iran na ipasailalim ang planong nuklear sa superbisyon ng komunidad ng daigdig, na gaya ng pagsisiyasat ng International Atomic Energy Agency. Ito aniya ay para maalis ang nabanggit na pagdududa.
Salin: Liu Kai