Binuksan kahapon sa Kunming, Tsina, ang isang siposyum na pandaigdig hinggil sa Southeast Asia Studies. Mahigit 60 dalubhasa galing sa Tsina, Kanada, Hapon, Italya, Myanmar, Thailand at iba pang bansa at rehiyon ang nagtipun-tipon para malalimang talakayin ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Timog silangang Asya, kooperasyon ng Tsina at Timog Silangang Asya at iba pang isyu.
Ayon sa salaysay, ang nasabing pulong na nasa magkakasamang pagtataguyod ng mga may kinalamang departamento ng Academy of Social Sciences ng Yunnan, Tsina; Nanyang Technological University ng Singapore; at Kyoto University ng Hapon ay naglalayong makapagkaloob ng isang plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga iskolar ng natural sciences, humanities at social sciences.