Idinaos ngayong araw ang ika-6 na pulong ng mga mataas na opisyal ng China-ASEAN Expo o CAEXPO at ipinasiya sa pulong na ang 2014 CAEXPO ay idaraos mula ika-19 hanggang ika-22 ng darating na Setyembre sa Nanning ng Tsina at ang Singapore ang magiging bansang tagapangulo samantalang aanyayahan naman ang Australya bilang espesyal na panauhing pandangal.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Andrew Robb, Ministro ng Kalakalan at Pamumuhunan ng Australia na bilang kauna-unahang panauhing pandangal ng CAEXPO, idaraos nila ng Tsina ang mga may kinalamang simposyum tungkol sa walang humpay na paglaki ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan.