Kaugnay ng nilalaman ng ginawang kauna-unahang Government Work Report ni Premyer Li Keqiang ng Tsina hinggil sa isyu ng Taiwan, magkakasunod na ipinalabas kamakalawa at kahapon ng mga pahayagan ng Taiwan na gaya ng "Chinese Times," "United Daily News," at "Commercial Times" ang paliwanag tungkol dito.
Ipinahayag nila na ayon sa naturang Government Work Report, nakikitang iginigiit ng Chinese mainland ang "Magkapamilya ang Magkabilang Pampang," at inaasahan na "Magiging Mas Malapit" ang magkabilang pampang; pinasusulong ito tungo sa balangkas ng isang Tsina, at hindi mahahadlangan ang kapayapaan ng magkabilang pampang.
Salin: Li Feng