|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat igalang at isaalang-alang ang lehitimong karapatan at interes ng iba't-ibang nasyonalidad sa loob ng Ukraine. Dapat ding aniyang mataimtim na konsiderahin ang pagkabahala ng iba't-ibang panig ng nasabing bansa.
Ani Qin, sa isyu ng Ukraine, iginigiit ng panig Tsino ang palagiang prinsipyo at paninindigan nito, at gagawa ng desisyon ayon sa katotohanan ng pangyayaring ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |