|
||||||||
|
||
Sa panahon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, nagdaos kaninang umaga ng preskon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, para ilahad ang mga suliraning diplomatiko ng bansa.
Kaugnay ng umiiral na hidwaan ng Tsina at ilang bansa sa teritoryo at soberanya, inulit ni Wang na igigiit ng kanyang bansa ang maayos na paghawak ng isyung ito sa pamamagitan ng mapayapang paraan at pantay-pantay na talastasan. Dagdag pa niya, ipagtatanggol ng Tsina ang sariling teritoryo, at hindi aangkinin ang teritoryong hindi kabilang dito.
Kaugnay naman ng relasyong Sino-Hapones, sinabi ni Wang na dapat tumpak na lutasin ng panig Hapones ang mga isyung pangkasaysayan, at igiit ang mapayapang landas. Aniya, kung magkakagayon, saka lamang makababalik sa landas ng pag-unlad ang relasyong Sino-Hapones.
Kaugnay naman ng mga priyoridad ng gawaing diplomatiko ng Tsina sa taong ito, sinabi ni Wang na mas aktibong magpapatingkad ang Tsina ng papel bilang isang responsableng malaking bansa, para manindigan sa katarungan sa mga suliraning pandaigdig. Dagdag pa niya, buong sikap at buong husay na itataguyod ng Tsina sa taong ito ang pulong ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia sa Shanghai at summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation sa Beijing.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |