Patuloy na nakakatawag ng pansin ang pagkawala ng flight MH370 ng Malaysia Airlines. Ito ay naglululan ng mahigit 150 sibilyang Tsino. Ipinahayag kahapon ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina na labis niya itong ikinababahala, at buong lakas na nagsisikap ang pamahalaang Tsino para hanapin ang nawawalang eroplano.
Sa kanyang paglahok sa diskusyon sa ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), ipinahayag ni Li na sinimulan na ng pamahalaang Tsino ang mekanismo ng pangkagipitang paghawak at hanggang sa kasalukuyan, ay hindi pa nakikita ang eroplano. Sa kabila nito, patuloy aniyang naghahanap ang pamahalaan ng Tsina hangga't maaari.
Sinabi pa ni Li na kasunod ng pagbubukas sa labas ng Tsina, dumarami nang dumarami ang mga mamamayang Tsino na lumalabas ng bansa, at dapat isabalikat ng pamahalaan ang mga may kinalamang responsibilidad, hindi lamang ang pangangalaga sa kaligtasan ng buhay at arian ng mga sibilyan sa loob ng bansa, kundi dapat ding maging matibay na kalasag nila ang pamahalaan sa mga Tsinong nasa labas ng bansa.