Isang pangkagipitang pulong ang idinaos kaninang umaga ng China Maritime Search and Rescue Centre hinggil sa nawawalang flight MH 370 ng Malaysiya Airlines na naglululan ng mahigit 150 sibilyang Tsino. At sa pulong, inisyal na natiyak ang plano ng paghahanap ng mga bapor na panaklolo.
Hanggang sa kasalukuyan, naipadala na ng pamahalaang Tsino ang anim na bapor na panaklolo sa rehiyong pandagat kung saan pinaghihinalaang nawala ang nasabing eroplano. At iniulat na ng China Maritime Search and Rescue Centre ang mga may kinalamang impormasyon sa counterpart sa Malaysiya.
Napag-alamang, bukod sa mahigpit na pakikipagkooperasyon sa mga counterpart sa Malaysia at Biyetnam, kokoordinahin din ng panig Tsino ang mga bapor na komersyal ng Tsina na lumahok sa gawain ng paghahanap.