Ipinahayag ngayong araw ni Nguyen Chi Vinh, Pangalawang Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Biyetnam na itinuturing na suliranin ng kanyang bansa ang pagkawala ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Buong lakas aniyang magsisikap ang Byetnam para hanapin ang nawawalang eroplano kasama ng iba't ibang panig.
Ipinahayag ito ni Nguyen sa Dongxing ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina sa kanyang pagdalo sa pag-uusap ng mga mataas na opisyal ng hukbo ng Tsina at Biyetnam. Aniya, ipinadala na ng Biyetnam ang hukbong pandagat, panghimpapawid at iba pang tropa nito para harapin ang nawawalang eroplano.
salin:wle