Ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang panig Tsino na mapapakinggan ng pamahalaang Hapones ang panawagan ng iba't ibang panig at ipaliliwanag ang dahilan ng aksidenteng naganap sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant at katugong hakbangin para matamo ang pagtitiwalaan ng mga mamamayan at alisin ang pagkabalisa ng mga kapitbansa.
Ngayong araw ay ika-3 anibersaryo ng malakas na lindol sa Hapon. Ayon sa ulat, bukod ng demonstrasyong kontra sa enerhiyang nuklear na naganap sa harapan ng palasyo ng Punong Ministro na dinaluhan ng 30 libong tao, idinaos din ang kaparehong demonstrasyon sa mahigit 170 lunsod sa iba't ibang sulok ng Hapon. Buong lakas na hinihiling ng mga demonstrator sa pamahalaan na pumulot ng aral mula sa nagdaang aksidente ng Fukushima Daiichi Power plant at tupdin ang pangako na "0 nuklear".