Hanggang kaninang tanghali, mahigit 80 oras na ang lumipas matapos mawala ang flight MH370 ng Malaysian Airlines. Patuloy na pinalalakas ang puwersa ng gawain ng paghahanap at pagliligtas, at mas maraming bansa na nag-alok ng high-tech na kagamitan ang lumalahok sa gawaing ito. Ngunit, wala pang natuklasang may kinalaman sa nasabing eroplano.
Ayon sa China Maritime Search and Rescue Center, hanggang kaninang umaga, wala pang natuklasan na suspicious floating materials o suspicious points sa ilalim ng dagat. Anito, isasaayos nito ang saklaw ng paghahanap at pagliligtas alinsunod sa situwasyon.
Sa kasalukuyan, pumasok na sa rehiyon ng paghahanap at pagliligtas ang bapor na pandigma ng hukbong pandagat ng Tsina, para isagawa ang three-dimensional search and rescue kasama ng iba pang bapor. Darating mamayang gabi sa rehiyong ito ang dalawang bapor ng Ministri ng Transportasyon ng Tsina.
Dinagdagan naman ng Amerika ang destroyer doon para imbestigahan ang insidenteng ito kasama ng panig Malay. Nagpahayag din ang Bureau of Investigation ng French Civil Aviation Safety ng kahandahang tumulong sa gawaing paghahanap, pagliligtas, at paninisid.
Salin: Andrea