Pagkaraang dumalo sa seremonya ng pagpipinid ng taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mga Mamamayang Tsino, pumunta sa Emergency Command Center ng Konseho ng Estado ng Tsina si Premiyer Li Keqiang ng Tsina at nakipag-usap sa puno ng searching and rescue team ng Tsina para malaman ang pinakahuling kalagayan ng paghahanap sa nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Hanggang sa kasalukuyan, mayroon 8 bapor na Tsino ang lumahok sa gawaing panaklolo at lumalawak ng lumalawak ang saklaw ng paghahanap. Hiniling ni Li sa mga may kinalamang departamento na magsikap at hangga't maaari, huwag mawalan ng pag-asa.