Ayon sa panig opisyal ng Nanning ng probinsyang Guangxi ng Tsina, aktibo silang nagsisikap para itatag ang China-ASEAN Development Bank sa lokalidad at ipagkaloob ang malakas na pagkatig na pinansyal sa kooperasyong Sino-ASEAN at kaunlaran ng Beibu Bay Economic Zone.
Napag-alamang pasusulungin ng Nanning ang pagtatatag ng China-ASEAN stock market, Nanning finical center at iba pang bagong klaseng investment at financial centers sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN at magsisikap para piliin ang Nanning bilang rehistradong lugar ng Asian Infrastructure Investment Bank.