Ipinahayag kahapon ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government ng Thailand, na kung ipapasiya ng hukuman na labag sa konstitusyon ang Batas sa Pautang na nagkakahalaga ng 2.2 trilyong Thai Baht na iniharap ng pamahalaan, mawawala sa Thailand ang pagkakataon sa pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura.
Pinagtibay na ang naturang Batas sa Pautang ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Thailand, gagamitin ito sa paggagalugad at konstruksyon ng mga malalaking proyekto ng imprastruktura na kinabibilangan ng high speed railway. Pero, pagkatapos ng pagpapatibay ng naturang batas, ang Democrat Party ng Thailand, pinakamalaking partidong oposisyon ng Thailand, ay humihiling sa hukuman na gumawa ng kapasiyahan hinggil dito.
Salin:Sarah