Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Patuloy na lumalago ang ipinadadalang salapi ng mga OFW

(GMT+08:00) 2014-03-12 17:52:31       CRI

MALAKI ang papel na ginagampanan ng foreign remittances ng mga Pilipinong nasa iba't ibang bansa. Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa C. Guinigundo sa isang eksklusibong panayam ng China Radio International at CBCP Online Radio kaninang umaga.

Sinabi ni G. Guinigundo na umabot sa US$ 22.8 bilyon ang dumating na salapi mula sa iba't ibang bansang kinalalagyan ng mga Pilipino. Mas malaki ito ng may 6.4% sa foreign remittances noong 2012 na may US $ 20 bilyon. Tanging salapi lamang ito sapagkat kung isasama ang mga padalang mga kagamitan, pagkain at appliances ay hihigit ito ng US$ 25.1 bilyon at mas malaki ng 7.6% kaysa natamo noong 2012.

Sa kalahatan, ang cash remittances ay aabot sa 7% ng gross national income at kung susumahin ay maglalaro mula sa 7 hanggang 8 porsiyento ng buong ekonomiya ang mula sa ambag ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Ipinaliwanag pa ni G. Guinigundo na tunay ding mahalaga ang consumption expenditure ng mga Pilipino sapagkat karamihan ng mga mamamayan ay mga kabataan, gumagastos sa pagkain, pag-aaral, damit, kumakain sa mga kantina, may binibiling mga aklat kaya't pangmatagalan ang kaunlaran sa larangan ng ekonomiya. Ang consumption expenditure ay maaaring umabot sa 70% ng Gross Domestic Product (GNP).

Isang pinagmumulan ng kita ng bansa ay ang mga business process outsourcing sapagkat pawang papasok ang salapi dahilan sa serbisyong ipinagkakaloob ng mga Pilipinong nasa larangan ng animation, software development at iba pa. Ayon sa industriya, tinataya nilang aabot sa US$ 15.5 bilyon ang kita ng sektor (noong 2013). Umaasa rin ang pamahalaan na magkakaroon US$ 20 bilyon ang maiaambag ng industriya pagsapit ng taong 2016 dahilan sa paglago nito ng may 15-25% bawat taon.

Bagaman, idinagdag ni G. Guinigundo na hindi nararapat umasa ang bansa sa mga padala ng mga Pilipinong nasa ibang bansa sapagkat sa bawat umaalis na Pilipino ay tumitingkad na hindi nagkakaroon ng mga bagong hanapbuhay. Isa umanong malungkot na katotohanan ang paglisan ng mga Pilipinong maglilingkod sa ibang bansa.

Subalit, idinagdag niya na kung magagamit ang US$ 20 bilyong ipinadadala ng mga manggagawa sa larangan ng kalakal, malayo na ang mararating ng bansa. Ipinagliwanag niyang sa ganitong paraan makikita ang kahalagahan ng pag-iimpok.

Sinimulan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang investment information campaign noong 2006 at 2007 at humigit na sa 20 sesyon ang kanilang ginawa sa Cebu, Bohol at iba pang mga lalawigan. Dumalaw din sila sa Milan, Roma, Madrid, Seoul, Singapore, Brunei, Saudi Arabia, Bahrain, Kuwait at United Arab Emirates. Nakadalawang ulit silang dumalaw sa Hong Kong at nabatid noong 2007 na ang bawat pamilyang mayroong isa o dalawang miyembrong nasa ibang bansa na tanging 7% lamang ang may impok sa bangko at 1% lamang ang may investments.

Sa kanilang pagsusuri noong huling tatlong buwan ng 2013, may 44 hanggang 46% na ang nag-iimpok at may 7 hanggang 8% na ang may mga negosyo.

May tatlong dahilang ibinigay si G. Guinigundo kung bakit patuloy na tumataas ang foreign remittances sa paglipas ng mga taon.

Una ay patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga Pilipinong lumalabas ng bansa sapagkat nagkakaroon ng mas maraming job opportunities sa ibang bansa. Partikular niyang binanggit ang Silangang Europa na siyang dinadalaw ng mga manggagawang Pilipino ngayon matapos tumamlay ang ekonomiya ng Estados Unidos at Kanlurang Europa.

Ang pangalawang dahilan ay nagbabagong anyo na ang mga manggagawang Pilipino mula sa pagiging karaniwang manggagawa ay mga arkitekto, medical care giver at mga enhinyero, software developer at iba pa. Mayroon umanong isang joint venture sa pagitan ng mga taga-Saudi at Francia na may 70% ng mga kawaning mga enhinyero ay pawang mga Pilipino.

Pangatlo ay ang pagtatatag ng mga bangkong mula sa PIlipinas sa kinalalagyan ng mga manggagwang Pilipino kaya't sa pamamagitan ng mga bangkong ito sila nagpapadala ng salapi pauwi sa Pilipinas. Nagdudulot din ito ng mas magandang paraan ng pag-uulat.

Ipinaliwanag din niyang mataas ang remittances mula sa Estados Unidos kung ihahambing sa ipinadadala mula sa Gitnang Silangan, partikular sa Saudi Arabia. Nangyayari ito sapagkat bukod sa mga propesyunal na naglilingkod at naninirahan sa Estados Unidos, may mga Pilipinong nasa Saudi Arabia at iba pang mga bansa sa Gitnang Silangan ang gumagamit ng Western Union at iba pang courier service na gumagamit ng mga bangkong nasa Estados Unidos.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>