Sa preskong idinaos kaninang umaga sa Beijing, ibinahagi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang kanyang hangarin sa relasyong Sino-Amerikano. Umaasa aniya siyang uunlad ang relasyong ito sa direksyong paborable sa katatagan ng relasyong ito, at pangmatagalang interes ng kapwa bansa.
Sinabi rin ni Li na isinasagawa ngayon ng Tsina at Amerika ang talastasan hinggil sa kanilang kasunduan sa pamumuhunan. Dagdag niya, malaki ang potensyal ng kooperasyong Sino-Amerikano, at maraming kailangang gawin para mapalakas ang pagkokomplemento ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai