|
||||||||
|
||
Ipininid ngayong umaga ang Ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang lehislatura ng Tsina.
Nangulo sa Sesyon si Zhang Dejiang, chairman of the NPC Standing Committee
Pinagtibay ng katatapos na sesyon ang Work Report ng Pamahalaang Tsino hinggil sa mga gawain noong 2013 at mga pangunahing misyon para sa taong ito. Ayon sa Report na ito, tinatayang aabot sa 7.5% ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Tsina sa taong ito.
Nangulo sa Sesyon si Zhang Dejiang, chairman of the NPC Standing Committee
Pinagtibay rin sa sesyon ang ulat hinggil sa pagpapatupad sa plano ng pambansang kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan noong taong 2013 at katulad na plano para sa taong ito, ang mga ulat hinggil sa badyet ng Pamahalaang Sentral at mga Pamahalaang Lokal, ang ulat ng Pirmihang Lupon ng NPC, ang ulat ng Kataas-taasang Hukumang Bayan ng Tsina, at ang Ulat ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng Tsina.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |