|
||||||||
|
||
Ayon sa impormasyon na ipinalabas kahapon sa website ng State Administration of Science, Technology and Industry of National Defense ng Tsina, sa mga kuhang-larawan ng mga satellite ng Tsina sa rehiyong pandagat na pinaghihinalaang lugar kung saan nawala ang Malaysia Airlines Flight MH370, may namamataang tatlong lumulutang na bagay. Ang laki ng mga bagay ay 13 metro x 18 metro, 14 na metro x 19 na metro at 24 na metro x22 metro.
Nang kapanayamin ng American media, sinabi ng isang dating opisyal ng US Federal Aviation Administration na posibleng labi ng eroplano ang nasabing mga lumulutang na bagay.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong nagdaang Sabado (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
154 sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Bilang tulong sa isinasagaang ginaganap na paghahanap at pagliligtas, 10 satellite ang ginagamit ng Pamahalaang Tsino.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |