Ipinatalastas kahapon ng International Olympic Committee (IOC) na pormal na isinumite ng Beijing ng Tsina, Krakow ng Poland, Oslo ng Norway, Almaty ng Kazakhstan, at Lviv ng Ukraine ang kani-kanilang applicant file para sa pagdaraos ng 2022 Winter Olympics at Paralympics.
Ayon sa regulasyon ng IOC, susuriin ng working group nito ang mga applicant file ng naturang limang lunsod. Batay sa resulta ng pagsusuri, ipapasiya ng Executive Board ng IOC kung tatanggapin ang alin-alin sa mga lunsod na ito bilang mga kandidato. Sa bandang huli, magboboto ang IOC sa ika-31 ng Hulyo ng taong 2015, para ipasiya ang host city ng nabanggit na Winter Olympics at Paralympics.