Kaugnay ng news briefing na idinaos ngayong araw ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia hinggil sa pinakahuling impormasyon ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines, sinabi ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na sinusubaybayan ng kanyang bansa ang mga impormasyon hinggil sa eroplanong ito. Hinihiling aniya ng panig Tsino sa panig Malaysiyano na patuloy na magkaloob ng mga komprehensibo at wastong impormasyon.
Dagdag ni Qin, ngayong araw ay ikawalong araw pagkaraang mawalan ng kontak ang Flight MH370, pero hindi pa rin alam ang kinaroroonan nito. Aniya, hinihimok ng Tsina ang Malaysia na palakasin ang gawain ng paghahanap, at umaasa rin itong daragdagan ng iba't ibang bansa ang tulong dito.