|
||||||||
|
||
Bago idaos ang bagong round ng talastasan ng Iran, Amerika, Alemanya, Rusya, Tsina, Pransya, at Britanya, hinggil sa pinal na kasunduan ng isyung nuklear ng Iran na idaraos bukas sa Vienna, Austria, ipinahayag ni Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran, na puno siya ng kompiyansa sa pagdating ng pinal na kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Sinabi ni Zarif sa media ng Turkey na natutuwa siya sa proseso ng talastasan sa pagitan ng Iran at naturang 6 na bansa. Bukod dito, binigyang-diin niya na ang paglutas sa naturang isyu ay nangangailangan ng sapat na katapatan at pagsisikap ng iba't ibang may kinalamang panig.
Umaasa aniya siyang isasagawa ng Amerika ang tamang pagpili. Dagdag pa niya, mapayapa ang planong nuklear ng Iran at hinding hindi binabalak ng kanyang bansa na magkaroon ng sandatang nuklear.
Bago kapanayamin si Zarif ng media ng Turkey, ipinahayag ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, na dapat makatugon muna ang Iran sa kahilingan ng komunidad ng daigdig, na itigil ang planong nulear nito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |