|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalitang Tsino ng Ministring Panlabas ng Tsina na isinasaayos ngayon ng Tsina ang direksyon ng paghahanap at pagliligtas ng nawawalang eroplano ng Malaysiya Airlines. Ipinagdiinan din niyang hindi babawasan ng Tsina ang pagsisikap sa paghahanap at pagliligtas hangga't mayroon pang pag-asa.
Inulit din niyang nananatili pa ring pinakapriyoridad ng Tsina ang paghahanap at pagliligtas ng nawawalang eroplano.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong ika-8 ng buwang ito (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan di-umano ito ng kontak sa air traffic control.
Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |