Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, sang-ayong ibahagi ang satellite data sa Malaysia para sa paghahanap ng nawawalang MH370

(GMT+08:00) 2014-03-20 10:12:49       CRI

Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sinang-anyunan na ng kanyang bansa na ibahagi sa Malaysia ang datos mula sa mga satellite para sa paghahanap at pagliligtas sa nawawalang Malaysia Airlines MH370. Ipinangako niyang magbibigay ang Tsina ng anumang aiste kung may anumang kahilingan ang mga bansang kalahok sa paghahanap.

Isinalaysay ni Hong na lumisan kahapon ang mga bapor-Tsino sa rally point na malapit na Singapore para pasimulan ang paghahanp at pagliligtas sa pangalawang yugto. Naghiwalay ang mga bapor sa dalawang grupo: ang isa ay patungong hilaga sa Bay of Bengal samantalang ang isa naman ay nagpapatimog sa Sunda Strait.

Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong ika-8 ng buwang ito (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.

Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan di-umano ito ng kontak sa air traffic control.

Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>