Sinabi kahapon ni Sigrid Kaag, Special Coordinator ng Joint Mission ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons at United Nations, na hanggang araw ring iyon, 53.6% ng mga hilaw na materyal ng sandatang kemikal sa loob ng Syria ang naihatid na sa labas ng bansa o nawasak.
Ipinahayag ni Kaag na ito ay isang malaking progreso sa gawain ng pagwawasak ng mga sandatang kemikal ng Syria. Hinimok din niya ang pamahalaan ng Syria na patuloy na makipagkoordina sa Joint Mission, para matapos ang gawaing ito sa nakatakdang iskedyul.
Salin: Liu Kai