|
||||||||
|
||
Pagkatapos, isusumite ang naturang mga panukalang batas sa Federation Council o mataas na kapulungan. Kung pagtitibayin din at pagkaraang lagdaan ng pangulo ng Rusya, pormal na magkakabisa ang mga panukalang batas. Sa gayon, matatapos ang lahat ng mga prosidyur ng pagsapi ng Crimea at Sevastopol sa Rusya.
Samantala, nanawagan kahapon ang Ukraine sa komunidad ng daigdig na huwag kilalanin ang pagsakop ng Rusya sa Crimea at Sevastopol.
Bilang tugon naman sa pinakahuling development sa Ukraine, pumunta kahapon sa Moscow si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN para sa medyasyon. Nakipag-usap siya kina Pangulong Vladimir Putin at Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya.
Sa kabilang banda, pinalawak kahapon ng Amerika ang sangsyon laban sa Rusya, at ipinatalastas nitong ipapataw rin ang sangsyon sa mga mahalagang industriya ng Rusya. Ipinahayag naman ng Unyong Europeo na mayroon din nitong planong palalawakin ang sangsyon laban sa Rusya sa aspekto ng kabuhayan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |