|
||||||||
|
||
Sa pamumuno ni Tan Sri Ong Ka Ting, espesyal na sugo ng Punong Ministrong Datuk Seri Najib Razak ng Malaysiya, magkakasamang kinatagpo kagabi ng mga kinatawan mula sa limang may kinalamang organo ng pamahalaang Malay ang mga kamag-anakan ng nawawalang flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Napag-alamang, tumagal ng dalawa at kalahating oras ang nasabing closed-door meeting na dinaluhan ng mahigit 100 kamag-anakan ng mga pasaherong Malay at Tsino.
Pagkatapos ng pulong, ipinahayag ni Tan Sri Ong Ka Ting na pagkaraang mawalan ng kontak ang flight MH370, binigyan ng mataas na pagpapahalaga ng pamahalaan ni Najib ang gawain ng pagbibigay ng asiste sa mga kamag-anakan ng pasahero at binigyan-diin pa ni Hishamuddin Hussein, nanunuparang Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na lubog na pinangangalagaan nila ang mga kamag-anakan ng pasahero.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |