Kaugnay ng mungkahing iniharap ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng "Silk Road Economic Belt," at "21st-century Maritime Silk Road," sinabi ngayong araw sa Beijing ni Pangalawang Ministrong Panlabas Zhang Yesui ng Tsina, na ang naturang mungkahi ay naglalayong palawakin ang pagbubukas ng kanyang bansa sa mga umuunlad na bansa, at pasulungin ang rehiyonal na kooperasyon ng Asya.
Dagdag ni Zhang, walang intensyon ang Tsina na kunin ang namumunong lakas sa mga suliraning panrehiyon, sa pamamagitan ng pagtatatag ng dalawang sonang pangkabuhayang ito. Aniya pa, bukas ang dalawang proyektong ito, at maaaring lumahok sa mga ito ang iba't ibang bansa.