Pumasok ngayong araw sa ika-15 araw ang paghahanap ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Pinaghahanapan ngayon ng mga eroplano ng ilang bansa ang rehiyong pandagat sa southern Indian Ocean, kung saan nakita ng Australia, sa larawang kinuha ng satellite, ang dalawang bagay na posibleng debris ng naturang eroplano. Pero hanggang sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang ganitong mga bagay.
Ayon sa panig opisyal ng Australia, sa kasalukuyan, nagsasagawa ng paghahanap ang mga eroplano mula sa Australia, Amerika, at New Zealand. Bukas, lalahok din sa paghahanap ang mga eroplano ng Tsina at Hapon.
Kaugnay naman ng nabanggit na dalawang bagay, nauna nang sinabi ni Punong Ministro Tony Abbott ng Australia, na mayroon ding posibilidad na ang mga ito ay container lamang na nahulog mula sa mga bapor pangkalakal. Pero aniya pa, ipagpapatuloy ang paghahanap hanggang matuklasan ang dalawang bagay na ito.