|
||||||||
|
||
Aniya, ito ay konklusyong ginawa ng International Maritime Satellite Organization at Air Accidents Investigation Branch ng Britanya, batay sa pinakahuling resulta ng pag-aanalisa sa data na kinuha ng mga satellite hinggil sa naturang eroplano.
Pagkaraan nito, madaliang ipinatawag kagabi ni Pangalawang Ministrong Panlabas Xie Hangsheng ng Tsina si Embahador Iskandar Sarudin ng Malaysia sa Tsina. Ipinahayag ni Xie na hinihiling ng Tsina sa Malaysia, na ipaliwanag ang konkretong batayan ng konklusyong ito, at ipagkaloob ang lahat ng mga impormasyon hinggil sa pag-aanalisa sa data ng mga satellite. Binigyang-diin din niyang sa kasalukuyan, hindi dapat ihinto ang paghahanap ng eroplano.
Kaugnay naman ng patalastas ng Malaysia, ipinahayag ng Amerika na hindi pa nito nakukumpirma ang konklusyon hinggil sa pagbabagsak ng MH370. Ipinahayag din ng panig Amerikano na ipagpapatuloy nito ang nakatakdang plano ng paghahanap ng eroplanong ito.
Samantala, ipinahayag ngayong araw ng Australian Maritime Safety Authority na dahil sa masamang kondisyon sa dagat, pansamantalang inihinto nang araw ring iyon ang paghahanap ng MH370. Anito pa, kung maganda ang panahon bukas, agarang panunumbalikin ang paghahanap.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |