Sa isang espesyal na pulong na idinaos kahapon sa Hague, Netherlands, ipinasiya ng Amerika, Britanya, Pransya, Alemanya, Kanada, Italya, at Hapon o G7 na hindi sila lalahok sa nakatakdang G8 Summit na lalahukan ng pitong bansang ito kasama ng Rusya. Nakatakdang idaos ang summit na ito sa darating na Hunyo ng taong ito sa Sochi, Rusya.
Pagkaraan ng pulong na ito, nagpalabas ng pahayag ang Europeon Commission na nananawagan sa iba't ibang panig na kinabibilangan ng Rusya, na magsagawa ng diyalogo at pagsasanggunian hinggil sa kalagayan sa Ukraine.
Bilang tugon, ipinahayag naman kahapon ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, na hindi trahedya para sa kanyang bansa ang hindi pagsali sa G8.
Salin: Liu Kai