Sinabi kahapon ni Surapong Tovichakchaikul, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Caretaker Government ng Thailand, na dapat lumahok ang Democrat Party sa bagong round ng halalan ng Mababang Kapulungan. Aniya, ito ay posibleng magiging pinakamabuting solusyon sa pagbibigay wakas sa kasalukuyang maligalig na situwasyon ng bansa.
Bilang tugon sa panawagan ni Suthep Thuagsuban hinggil sa pagkakahirang sa non elected PM ng bansa, alinsunod sa ika-7 regulasyon ng konstitusyon, ipinahayag ni Surapong Tovichakchaikul na hindi ito katanggap-tanggap hangga't hindi mawalan ng bisa ang kasalukuyang konstitusyon. Aniya, magdudulot ito ng kaguluhan sa bansa at hindi ito tatanggapin ng iba pang bansa ng daigdig.
Salin: Andrea