Idinaos kahapon sa Jakarta, Indonesya ang Ika-15 Pulong ng ASEAN-China Joint Cooperation Committee (ACJCC).
Isinalaysay ng mga kinatawan ng Tsina at ASEAN ang kani-kanilang kalagayan ng pag-unlad sa pulitika, kabuhayan at lipunan. Nagbalik-tanaw sila sa progreso ng kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan nitong nakalipas na isang taon. Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa kalagayan ng pagpapatupad ng mga mungkahi na iniharap sa Ika-16 na Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN, Taon ng Pagpapalitang Kultural ng Tsina at ASEAN, at iba pang paksa.
Salin: Andrea